Wednesday, April 8, 2026

Mabigat na requirements sa COA, target pasimplehin ng gobyerno

Pinapasimple na ng pamahalaan ang accounting at auditing requirements ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa patong-patong na panuntunan, nanganganib na magkamali ang mga ahensya ng gobyerno sa documentation, procurement, at paglalabas ng pondo.

Ibinahagi rin ng pangulo na sa ilang ahensya, halos kalahati ng mga tauhan ay nakatutok lang sa paggawa ng mga ulat para sa COA.

Dahil dito, nasasayangan aniya siya sa oras at lakas ng mga empleyado na maaari sanang magamit sa mas mahalagang gawain tulad ng direktang serbisyo sa publiko.

Facebook Comments