Mabigat na trapiko sa EDSA, maiibsan na – PRRD

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maiibsan na ang mabigat na daloy na trapiko sa EDSA sa Disyembre.

Sa panayam sa kaniya ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na ang biyahe mula sa Cubao sa Quezon City patungong Makati City ay aabutin na lang ng limang minuto pagdating ng Disyembre.

Gayunman, hindi naman sinabi ng Pangulo kung paano ito maisasakatuparan.


Matatandaang ang paglutas sa matinding problema sa trapiko sa EDSA ang isa sa naging pangako ng Pangulo noong nangangampaniya pa ito.

Humingi rin ang Pangulo sa Kongreso na pagkalooban siya ng emergency power para malutas ang trapiko sa EDSA.

Aprubado na ang emergency power sa Kamara pero hindi pa sumusulong sa Senado.

Facebook Comments