Mabilis at libreng Wi-Fi connections sa lahat pampublikong lugar sa bansa – target matapos ng Department of Information and Communications Technology bago ang termino ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Positibo ang Department of Information and Communications Technology na maisasakatuparan ang target na magkaroon ng mabilis at libreng Wi-Fi connections sa lahat pampublikong lugar sa bansa bago matapos ang termino ng Duterte administration.

Ito’y matapos ilunsad kahapon ang free Wi-Fi internet sa kahabaan ng Edsa.

Sa interview ng RMN kay DICT Undersecretary Eliseo Rio – tugon nila ito sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ang bansa ng mas maayos na internet quality.


Sa katunayan anya – hinhintay nalang nila ang implementing rules and regulations ng batas na ito para buong bansa na ang magkakaroon ng libreng internet access.

Ang nasabing proyekto ay bahagi pa rin ng national broadband plan na layong mapalawak ang internet access sa mga pinoy.

DZXL558

Facebook Comments