Mabilis na kumpirmasyon ni Cayetano sa CA, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng MalacaƱang ang mabilis na kumpirmasyon ni Senador Allan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala nila ang pagsisikap at mga nagawa ni Cayetano sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nito kahit nang ito ay Senador pa.

Pinuri din naman ni Abella ang tumayong officer in charge o Acting Foreign Secretary Enrique Manalo dahil sa mga magagandang ginawa nito habang pinangangalagaan ang Kagawaran.


Babalik din naman aniyang Undersecretary ng DFA si Manalo at uupo bilang undersecretary for ASEAN senior officials ng ASEAN.
DZXL558

Facebook Comments