Muling kinalampag ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang Department of Budget and Management (DBM) para irelease na ang natitirang pondo pantulong sa mga labis na naapektuhan ng COVID 19 pandemic.
Dismayado si Pangilinan sa report ng DBM na P92.3 billion pa lang ang nailalabas nito mula sa kabuuang P165.5 billion na stimulus fund sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na ang bisa ay hanggang December 19 lang.
Nakalaan ang nabanggit na salapi para sa Social Amelioration Program (SAP), at pautang sa mga maliliit na negosyo at sa nawalan ng trabaho kabilang ang mga drivers ng pampublikong transportasyon.
Ikinakalungkot ni Pangilinan na andyan na ang pondo pero hindi pa rin maramdaman ng mga tao at sektor na apektado ng pandemya.
Giit ni Pangilinan, mahalagang maibigay ang tulong na kailangan ng mamamayan dahil kung makakatayo ang mga ito mula sa epekto ng pandemya ay makakatayo na rin ang ating bansa.