MABILIS NA PAGTUGON | Rice distribution sa mga lugar na sinalanta ng Urduja, iniutos ng NFA

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni NFA administrator Jason Aquino sa lahat ng NFA field officials na gawing priority ang rice distribution sa mga biktima ng kalamidad sa Visayas region.

Kasabay nito ang pag-activate o pagbuhay ng Operations Center ng ahensiya upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang pangangailan ng bigas sa relief operations sa lugar.

Sinabi pa ni Aquino na bukas ng 24/7 ang operations center para tumanggap ng requests at magpalabas ng supply ng bigas sa mga LGUs na may Memorandum of Agreement sa NFA lalo na sa panahon ng kalamidad o emergency na pangangailangan.


Batay sa ulat, ang NFA sa region 8 ay nakapamahagi na ng kabuuang 6,752 bags ng bigas sa local government units ng lalawigan ng Eastern Samar; Northern Samar; at Biliran na kabilang sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Urduja .

Facebook Comments