Mabilis na pagtuturok ng mga bakuna, hamon ngayon sa pamahalaan

Hindi na suplay ng bakuna ang problema ngayon ng bansa.

Ayon kay Presidential Adviser on COVID-19 response Secretary Vince Dizon ito ay dahil may sapat nang suplay ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas.

Sa katunayan anya ni Dizon may dagdag pang 67 milyong doses na bakuna ang inaasahang maidi-deliver sa bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.


Kabilang dito ang 17 milyong doses ng Pfizer, 8 milyong doses ng Moderna, 10 milyong doses ng Astrazeneca, 25 milyong doses mula sa Covax facility at 7.3 milyong doses mula sa bilateral donations.

Samantala ang malaking hamon ngayon ay kung gaano kabilis na maituturok ang mga bakunang ito sa ating mga kababayan.

Mahalaga aniyang maiturok agad ito sa lalong madaling panahon sa mga kababayan nating wala pang ni isang dose ng bakuna, gayundin para sa mga dapat mag second dose at mga bibigyan ng booster shot sa layuning makamit ang population protection patungo sa herd immunity ng buong bansa.

Facebook Comments