MABILIS NA PROSESO│Panukalang emergency powers para kay P-Duterte, pinamamadali

Manila, Philippines – Umaasa si Committee on Public Services Chairperson Senator Sen. Grace Poe na sertipikahang urgent ng Malakanyang ang panukalang emergency powers para kay Pangulong Rodrgio Duterte.

Paraan aniya ito para mapabilis ang proseso sa pagpasa sa nabanggit na panukala na syang makakatulong sa mabilis na pagpapatupad ng mga proyektong magpapaginhawa sa trapik.

Tatlong linggo na lang ang nalalabi sa session ng kongreso bago mag-adjourn sa December 16 para sa isang buwang holiday break.


Kasabay nito ay umaapela din si Senator Poe sa liderato ng senado na isama sa prayoridad ang pagpasa sa panukalang emergency powers.

Ang senado ay nagsasagawa ng marathon sessions para maipasa na ngayong December ang panukalang 2018 national budget at tax reform bill.

Facebook Comments