KUMPIRMADO │Justice Sec. Aguirre, tetestigo sa Sereno impeachment proceedings

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na magtetestigo siya sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Aguirre, natanggap niya na ang imbitasyon ng House justice committee para sa hearing bukas, araw ng Martes.

Sinabi ni Aguirre na sesentro ang kanyang pagtestigo hinggil sa aniya’y pag manipula at pag-antala ni Sereno sa pagpapalabas ng resolusyon ng Supreme Court sa kahilingan ng DOJ na gawin sa labas ng Mindanao ang pagdinig sa kasong rebelyon at iba pang criminal cases ng Maute group.


Una na ring itinanggi ni Sereno ang nasabing alegasyon.

Facebook Comments