Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa Federation of Filipino- Chinese Chambers of Commerce and Industry na umuusad na ang mga plano ng pamahalaan para sa mabilis na pagpo- proseso nang inaaplayang permit ng mga investor o mamumuhunan sa bansa.
Sa talumpati ng pangulo sa convention ng Federation of Filipino- Chinese Chambers of Commerce and Industry, sinabi nitong may mga hakbang na para sa pag-streamline ng business permits at licensing processes.
Nag-isyu na rin aniya siya ng executive order para sa pagkakaruon ng green lanes na siyang magiging specific desk sa bawat departmento na magpa-facilitate sa documentary, legal, bureaucratic requirement ng isang potential investor.
At upang makahimok pa nang mas maraming investors lalo na sa energy sector sa harap nang pagnanais na makasiguro na may sapat na power supply at mapababa ng presyo ng kuryente.
Sinabi ng pangulo na inaamyendahan na ang IRR ng renewable energy act na nag aalis sa foreign ownership restrictions para sa ilang renewable energy generation projects sa Pilipinas.