DND Sec. Galvez, umaasang magdudulot ng kapayapaan sa bansa ang Ramadan

Umaasa si Department of National Defense (DND) Chief Carlito Galvez Jr., na ang holy month of Ramadan ay magiging daan upang makamit ang kapayapaan sa buong bansa.

Sa pagsisimula ng Ramadan mensahe ni Galvez sa lahat ng Filipino na maging isa sa pamamagitan ng inner reflection, panalangin, self-sacrifice nang sa ganon ay maging instrumento ang bawat isa sa atin ng kapayapaan.

Nakikiisa rin si Galvez sa mga kapatid nating Muslim sa pagninilay at pagpapatibay ng kanilang dedikasyon at commitment sa kanilang responsibilidad sa bawat komunidad at sa bayan.


Sinabi pa nito na mamuhay nawa ang mga kapatid nating Muslim nang naaayon sa turo at gawa ni Allah.

Ang Ramadan na pormal nang nag-umpisa kung saan panahon ito para sa mga kapatid nating Muslim upang manalangin, mag-ayuno at pagtibayin ang kanilang spiritual development.

Facebook Comments