Mabilis na usad ng kaso ng pagpatay kay Cong. Batocabe, ikinatuwa ng Ako Bicol Party List

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Ako Bicol Party-list ang mabilis na usad ng imbestigasyon ng PNP sa kaso ng pagpatay kay Cong. Rodel Batocabe.

Pero sa interview ng RMN manila, sinabi ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. na simula pa lang ito ng proseso ng pagbibigay-hustisya sa pagkamatay ng kongresista.

Maituturing lang aniya nilang tapos ang kaso kapag naipakulong na ang lahat ng suspek sa krimen.


Aminado naman si Garbin na nakaapekto sa party-list ang pagkawala ni Batocabe.

Nabago rin aniya ang kanilang buhay dahil napipilitan silang humingi ng security detail sa PNP para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

Samantala, papalit bilang second nominee ng Ako Bicol ang anak ng kongresista na si Atty. Justine Batocabe.

Habang pinag-uusapan pa aniya ng pamilya Batocabe kung sino ang ipapalit sa mambabatas na tatakbo sa pagka-Alkalde ng Daraga, Albay.

Facebook Comments