Bangkay ng babae na pinaghihinalaang nalunod, narekober sa Alicia, Isabela!

446

Alicia, Isabela – Isang bangkay ng dalagita ang natagpuan sa Purok Tabing Ilog, Brgy. Aurora, Alicia, Isabela pasado alas dose ng tanghali ngayong araw, Enero 7, 2019.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakita ni Ginoong Lauriano Jose ang bangkay ng babae na napalibutan ng mga tuyong damo at kahoy nang ito ay bumisita sa kanyang bukirin.


Batay sa tala ng PNP Alicia, ang nadiskubreng bangkay ay naka suot ng T-shirt na may tatak na ‘Extreme hockey’, may bracelet sa kaliwang kamay at tinatayang nasa edad 10 hanggang 15 anyos.

Kaugnay nito ay naipaabot na rin sa himpilan ng PNP Santiago City ang nadiskubreng bangkay dahil maaari umanong may kaugnayan ito sa kanilang naitalang insidente ng pagkalunod noong December 31, 2018.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng PNP Alicia hinggil sa narekober na bangkay.

Facebook Comments