Mabilis na vaccine roll out, susi sa pagbalik ng kumpiyansa at sigla ng ekonomiya

Umaasa si Senator Joel Villanueva na ang full-year Gross Domestic Product (GDP) contraction na 9.5% ay makahihiyakat sa gobyerno na pabilisin pa ang pag-rollout ng bakuna laban sa COVID-19.

Naniniwala si Villanueva na tanging ang vaccination program ang pinakamalaking economic stimulus na kailangan ng ating bayan dahil ang bakuna ay maituturing ngayon na pinakamabisang ayuda.

Giit ni Villanueva, ang pagtuturok ng mabisa at epektibong bakuna ay siyang magpapabilis sa pagbalik ng kumpiyansa at sigla ng ating ekonimiya.


Dagdag pa Villanueva, kailangang isama sa priority list ng mga mababakunahan ang mga essential workers, bukod sa mga manggagawa sa health at security sectors.

Ipinaliwanag ni Villanueva na kapag magagarantiyahan na ligtas ang mga lugar-paggawa ay tiyak maaalis na ang isa sa mga pinakamalaking balakid sa productivity ng ating mga manggagawa.

Facebook Comments