Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na maaari nang pumasok sa bansa ang Hong Kong at Macau Nationals nang hindi na kailangang kumuha ng visa.
Ayon sa BI, maaaring manatili sa bansa ng 14 na araw ang mga taga-Macau at Hong Kong bilang temporary visitors.
Ito ay alinsunod na rin sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Tinukoy rin ng BI ang Philippine foreign service circular na umiiral bago pa ang COVID-19 pandemic kung saan ang nationals ng Hong Kong-SAR at Macau-SAR ay pinapayagang pumasok sa Pilipinas para sa 14 days visa-free.
Facebook Comments