Satisfaction rating mula sa SWS ni vice presidential candidate Tito Sotto III ikinatuwa ng Senador

Ikinagalak ni vice presidential candidate at Senate President Vicente Tito Sotto III ang mataas na satisfaction rating na natanggap niya sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) Survey sa mga top officials ng bansa.

Ayon kay Sotto, ang mataas na satisfaction rating na ito ay bunga aniya ng hardwork at sincerity kung saan base sa Fourth Quarter 2021 survey na isinagawa ng SWS noong December 12 to 16, 2021, lumalabas na 52% ang natanggap na net satisfaction rating ni Lacson.

Dagdag pa ni Sotto na sumasalamin rin nito ang trabaho ng Senado kahit sa gitna ng pandemya.


Ito ay kahit pa aniya hindi sila mahilig na mag-broadcast ng kanilang mga ginagawa ay nakakarating pa rin ang kanilang mga nagawa sa publiko.

Nakakapagbigay rin aniya ito ng inspirasyon sa kanya na pagbutihin pa ang kanilang pagta-trabaho kahit pa hanggang June 30 na lang ang kanyang termino sa mataas na kapulungan.

Facebook Comments