Ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) matapos makakuha ng Mactan-Cebu International Airport ng Airport Customer Experience Accreditation mula sa Airports Council International.
Ito na rin kasi ang natatanging paliparan sa bansa na nakakuha ng nasabing pagkilala mula sa prominenteng global aviation body.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang nasabing accreditation ay patunay lamang sa mahusay na serbisyo at pinahusay na travel experience sa bawat touchpoint ng paglalakbay.
Dagdag pa ng kalihim na tinutupad ng DOT ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing isang tourism powerhouse ang Pilipinas sa Asya, kaya’t nakakuha ng malaking inspirasyon ang DOT mula sa bagong nakamit ng Mactan-Cebu International Airport.
Samantala, nakikibahagi rin ang ahensya sa adhikain na mapahusay ang marami pang mga gateway sa buong bansa para sa kapakinabangan ng mga manlalakbay at turista.
Ikinatuwa rin ng iba pang paliparan ang pagkaka-accredit sa kanila ng global aviation body bilang isang mahalagang hakbang upang itaas ang antas ng customer experience management sa mga paliparan sa bansa.