Gunman umano ni Cong. Teves, patay sa police operations sa Negros Oriental kahapon

Patay ang isang sinasabing gunman ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa isinagawang operasyon sa loob ng isang farm sa Bayawan City, Negros Oriental nitong Lunes.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, habang inihahain ang warrant of arrest ay nanlaban ang suspek na si Alex Mayagma.

Sinubukan umano ng mga awtoridad na lapitan si Mayagma pero bumunot ito ng baril sa kanyang sling bag dahilan upang papaputukan siya ng mga pulis.


Si Mayagma ay kabilang sa most wanted person sa Central Visayas region dahil sa mga kasong murder.

Isinasangkot kasi sya sa sunud-sunod na pagpatay sa Negros Oriental.

Maliban dito mayroon din siyang kaso na illegal possession of firearms, at paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban noong 2022 elections.

Facebook Comments