MADADAGDAGAN | Dayuhang pamumuhunan sa bansa, posibleng tumaas sa huling 2 buwan ng taon

Manila, Philippines – Posibleng madagdagan ang mga Foreign Direct Investment o FDI sa Pilipinas sa huling dalawang buwan ng taon.

Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang magandang pananaw na ito ay dahil na rin sa paglabas ng Foreign Investment Negative List o FINL.

Dahil ditto, posibleng mas maraming mga foreign investor pa ang mamumuhunan sa bansa dahil na rin sa mas maraming pagkakataon at oportunidad na makapagnegosyo sila sa Pilipinas.


Sa huling FINL na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang buwan, bukas na sa 100% foreign ownership ang mga wellness center; internet business; pagtuturo ng higher education; at mga adjustmet, lending, financing at investment company.

Sabi pa ni Pernia mararamdaman ang epekto ng mas maraming mamumuhunan sa bansa sa susunod na taon.

Sa huling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nadoble ang foreign direct investments mula sa $344-M noong Hulyo ng nakaraan taon sa $914-M sa kaparehong panahon ngayon taon.

Tiwala rin si Pernia ma mas malaki ang kabuang FDI sa buong 2018 kumpara sa nakaraang taon.

Facebook Comments