Cauayan City, Isabela – Araw-araw ang mga aksidenteng nangyayari sa mga lansangan ng Cauayan City.
Ito ang nakita sa blotter ng Cauayan City Police ng RMN Cauayan News Team kung saan ay naabutan pa ang grupong nagpapatala ng panibagong vehicular accident.
Sa naunang panayam ng RMN News Team kay PSupt Narciso Paragas, hepe ng PNP Cauayan City, sinabi niyang isa sa mga ginagawa nila upang mabawasan ang mga aksidente ay istriktuhan ang mga menor de edad na nagpapatakbo ng sasakyan.
Magpagayunpaman ay ilan sa mga dahilan ng pansasakyang aksidente ay ang madulas na daan dulot ng madalas na ulan, mga stray animals at ang sadyang kakulangan ng kakayahang magmaneho.
Sa record ng PNP Cauayan simula noong Agosto 18, 2017 hanggang sa pagkakasulat ng balitang ngayong Setyembre 7, 2017 ay mayroong limamput apat na (54) na kaso ng Reckless Imprudence Resulting to Slight o Serious Physical Injuries and Damage to Property dahil sa mga vehicular accidents.