Madalas na pagkakasangkot sa aksidente ng mga tricycle at pedicab, dahilan kung bakit nananatili itong bawal sa national road

Huhulihin ang mga tricycle at pedicab na makikitang bumabiyahe sa mga national highway.

Sa Laging Handa public briefing, binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na maraming disgrasya o aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng mga tricycle at pedicab.

Ayon kay Malaya, sadyang hindi angkop ang ganitong uri ng transportasyon sa malalaking kalsada at talong-talo ang mga ito sa naglalakihang mga sasakyan na bumabagtas sa national highway.


Dahil dito, sinabi ni Malaya na bawal talaga ang tricycle at pedicab sa mga national highway pero pwede naman ang mga ito sa mga secondary at barangay roads.

Ang nasabing usapin ay naungkat matapos sabihin ni DILG Sec. Eduardo Año na lagyan na lamang ng sidecar ang mga motor kung gusto talagang isabay pagpasok si misis o sinumang miyembro ng pamilya dahil mahigpit pa ring ipinagbabawal ang backride sa motorsiklo.

Facebook Comments