MADALIIN | Flood projects, pinatatapos ng isang mambabatas bago mag-Hunyo

Manila, Philippines – Pinamamadali ni Quezon City Representative at House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa DPWH ang pagsasaayos ng mga flood projects.

Giit ni Castelo, bago mag-tag ulan sa buwan ng Hunyo ay dapat matapos na ang mga flood projects at infrastructures na itatayo ng ahensya.

Dapat aniyang i-prayoridad na ng DPWH ang Metro Manila Flood Control Management Project (MMFCMP) na may kabuuang pondo na P25 billion na inaprubahan na noong nakaraang taon.


Kung hindi aniya matatapos ito ay pinaka-maaapektuhan ang mga residente ng Metro Manila na siyang beneficiaries ng proyekto.

Kapag nagsimula ang tag-ulan at hindi pa tapos ang flood control projects ay tiyak na magiging problema ang matinding pagbaha at mabigat na traffic sa mga lungsod dagdag pa dito ang mga pwedeng makuhang sakit sa baha.

Hinikayat din nito ang publiko sa pagsunod sa tamang waste disposal dahil kahit matapos ang mga proyekto kung walang disiplina sa pagtatapon ng basura ay tiyak na madudulot pa rin ito ng pagbaha sa Metro Manila.

Facebook Comments