Pangasinan – Sa assessment na isinagawa ng DPWH aabot sa labing limang metro ang nasairang parte ng Gabion Dike sa bayan ng Sta. Barbara Pangasinan. Ito ang sinasabing naging dahilan kung bakit mabilis na tumaas ang tubig baha sa bayan ng Sta. Barbara, Calasiao, at lungsod ng Dagupan noong kasagsagan ng pananalasa ng habagat sa lalawigan.
Siniguro naman ng pamunuan ng DPWH na agad nilang aayusin ang nasabing sira ng dike kapag bumaba na ang tubig sa ilog kung saan ito nakatayo. Dagdag pa ng ahensya na mula 9 meters na taas ng dike ay gagawing itong 12 meters kung kakayanin upang maiwasang maabot pa ng baha.
Sa ngayon asahan ang maaring pagpasok ng dalawa hanggang sa tatlong bagyo sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng Agosto ayon sa weather bureau PAG-ASA.
Ayon sa ahensya, papangalanan ang mga susunod na bagyo na ‘Karding’, ‘Luis’, at ‘Maymay’.
Kayanaman pakiusap ng ilang residente malapit sa dike na madiliin ang paggawa sa nasabing parte ng dike na bumigay upang maiwasan ang mataas na baha sakaling muling umulan ng malakas at umapaw ang tubig sa nasabing ilog.
MADALIIN | Parte ng Gabion Dike na nasira mamadaliin ang pagsasaayos!
Facebook Comments