Manila, Philippines – Simula sa susunod na buwan ay sisimulan nang lagyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng Proper Identification ang Uber, Grab at iba pang Transport Network Vehicle Service o TNVS.
Ito ayon kay LTFRB Spokesman at Board member Atty. Aileen Lizada ay para malaman kung ang isang sasakyang tumatakbo sa kalsada ay pribado o kabilang sa Transport Network Company.
Sa inisyal na plano ng LTFRB kulay pula ang gagamiting sticker na ilalagay sa kanang bahagi ng isang TNVS Unit.
Batay sa rekord ng LTFRB mayroon 20-libong Unit ng TNVS ang bumibiyahe sa kalsada hindi pa kasama rito ang kulorum o walang prangkisa at Provisional Authority.
Paliwanag ni Lizada, kapag mayroon nang TNVS sticker ang isang sasakyan mas madali nang mahuli kung sino ang ilegal na nag-ooperate nang walang prangkisa.