Manila, Philippines – Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na baguhin ang plaka ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS.
Ayon kay LTFRB Spoksperson Aileen Lizda, ito ay para madaling makilala ang mga TNVS.
Maliban rito, lalagyan rin aniya ng sticker ang mga TNVS.
Itatas na rin ng LTFRB sa 65,000 ang bilang ng TNVS na babyahe sa Metro Manila.
Sabi ni Lizada, maximum number ito kumpara sa unang 45,000.
Nabatid na ang mahigit 59,000 aktibong TNVS na nasa master list ang bibigyan ng prayoridad sa isasagawang application ng TNVS franchise simula sa March 05.
Facebook Comments