Madonna, nagkaroon daw ng COVID-19

Madonna. Photo via Instagram

Nagkaroon daw ng coronavirus, ngunit wala namang karamdaman ngayon ang “Queen of Pop” na si Madonna.

Sa Instagram nitong Huwebes, sinabi niyang nagpositibo siya sa antibodies, na ang ibig sabihin daw ay mayroon siyang COVID-19.

“When you test positive for anti-bodies it means you had the virus, which I clearly did as I was sick at the end of my tour in Paris over seven weeks ago along with many other artists in my show,” saad niya.


Matatandaang matapos ang isang gabing concert ni Madonna sa Grand Rex noong Pebrero 2, inanunsyo ang kanselasyon ng susunod niyang show dahil umano sa “ongoing injuries”.

Hindi na rin natuloy pa ang mga susunod na Paris concert nang ipagbawal ng France ang mass gatherings upang pigilan ang lalong pagkalat ng virus.

“At the time we all thought we had a bad flu. Thank God we are all healthy and well now,” dagdag niya pa sa post.

Ibinunyag ito ng singer kasabay ang pagbabahagi ng isang article tungkol sa pagdo-donate niya ng $1.1 million sa research para sa coronavirus vaccine.

Samantala sa ulat ng Agence France-Presse, duda umano ang mga scientist sa maraming antibody tests na nagpapakita kung may virus ang tao.

May mga nagbabala na maaaring magresulta sa false positive ang mga katulad na test.

Facebook Comments