Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa madugong anti-illegal drugs operations ng Bulacan Police na ikinamatay ng 32 hinihinalang drug personalities.
Matatandaan na kahapon ay nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Duterte sa naging operation ng Bulacan PNP at sinabing sana ay araw-araw iton gawin ng mga pulis.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagkakapatay sa mga drug personalities ay resulta ng panlalaban ng mga aarestohing personalidad sa isinagawang sabay-sabay operasyon ng PNP sa buong lalawigan ng Bulacan.
Paliwanag ni Abella, magkakaroon ng patas na imbestigasyon sa nagyari sa Bulacan kaya kung mayroon mang mga Pulis na mapatutunayang umabuso sa kanilang tungkulin ay tiyak na maparurusahan.
Wala parin namang pahayag ang Malacanang sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Manila Police District kung saan 26 na umanoy drug personalities ang bumulagta matapos umanong manlaban ang mga ito.
Madugong anti-illegal drugs operation ng Bulacan PNP, dadaan sa patas na imbestigasyon ayon sa Palasyo
Facebook Comments