MAG-AARAL MULA POZORRUBIO, NAMAYAGPAG SA RUBIK’S CUBE CATEGORY SA 22ND NATIONAL SCIENCE QUEST

Isang mag-aaral mula sa Pozorrubio, Pangasinan ang namayagpag sa Rubik’s Cube category sa National Science Quest matapos ma-solve ang non-magnetic cube sa loob lamang ng 53 segundo.

Si Kelsy Kizz Grico, isang Grade 6 student mula sa Nantangalan Elementary School SPED Center, ang nagpakitang-gilas sa ika-22 edisyon ng kompetisyon.

Sa bilis at estratehiyang ipinamalas niya, labis na humanga ang kanyang guro at kapwa kalahok.

Bagama’t tila simpleng laruan lang para sa marami ang Rubik’s Cube, ipinakita ni Kelsy na maaari itong maging hamon na sumusubok sa talas ng isip, tiyaga, at konsentrasyon.

Ang kanyang tagumpay ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa kanyang paaralan kundi maging sa netizens na nagpaabot ng pagbati sa social media.

Patunay ito na minsan, ang isang makulay na cube sa kamay ng isang batang determinado ay maaaring magbukas ng mas malalaking oportunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments