Mag-ama na nanakot at tumatangay ng gadgets sa mga estudyante sa Maynila, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang mag-ama sa pagtangay at pananakot ng ilang estudyante para pagnakawan ng gadgets sa Moriones Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Felipe at Marlon Mecina na nahuli sa CCTV na tumangay sa isang estudyante at pinagnakawan pa ng cellphone.

Kwento ng 14-anyos na estudyante, kalalabas lamang niya ng eskwelahan nang salubungin siya ni Felipe nagpakilalang malapit na kaibigan ng ama.


Sinakay aniya siya sa pedicab na minamaneo ni Marlon kung saan tinatakot siya ng mag-ama.

Pinalaya ang biktima nang makuha ng mga suspek ang kanyang gadget.

Ayon kay Sr/Insp. Moises Reyes ng Moriones Tondo PNP – matagal nang ginagawa ng mga suspek ang kanilang modus.

Nahaharap sa kasong robbery with intimidation with intimidation ang mga suspek.

Facebook Comments