DA, pinawi ang pangamba ng publiko sa napaulat na swine flu na galing China

Wala pa sa bansa ang swine flu na natuklasan sa China.

Sa virtual presser ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na hindi nag-iimport ng karneng baboy ang bansa sa China kung kaya’t malabong makapasok ang G4 strain na naka-infect na sa 10% ng mga trabahador ng hog industry sa China.

Gayunman, wala pang pinal na konklusyon na naipapasa sa tao ang naturang swine flu.


Sa kabila nito, hindi dapat magpaka-kampante. Agad ipaalam sa Bureau of Animal Industry ang mga flu-like symptoms o mga kaso ng pagkamatay ng mga alagang baboy.

Facebook Comments