Mag-ama ni Nadine Samonte, inoperahan!

217

Nakahinga na ngayon ng maluwag ang aktres na si Nadine Samonte matapos ang matagumpay na surgeries sa kanyang asawang si Richard Chua at panganay na anak na si Heather.

Nabatid na magkasunod na araw sumailalim ang mag-ama ni Nadine sa operasyon kung saan naging successful ang eye surgery ng anak nito habang naging maayos din ang angiogram ni Richard.


Matatandaang noong Lunes ay nag-post ang aktres sa kanyang Instagram kung saan humihingi ito sa kanyang followers ng dasal para sa kanyang mag-ama.

Bunsod nito, todo ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng tumulong at nagdasal sa kanyang pamilya.

Samantala, nakatakda namang sumailalim si Nadine sa blood transfusion dahil sa kompikasyon ng kanyang pagbubuntis na ngayon ay nasa panglimang buwan na.

Facebook Comments