Mag-ama, patay matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa isang buy-bust operation

74

Rizal, Philippines – Dead on the spot ang mag-ama na sangkot sa iligal na droga matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Sitio Balanti, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Ang nasawing mag-ama ay kinilalang sina Von Martinez, 47 taong gulang at ang anak nitong si Von Jr. 20 taong gulang na residente ng Sitio Baybay Sapa, Barangay Mayamot, Antipolo City.
Ayon sa mga otoridad ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng hapon ng maganap ang engkuwentro sa pagitan nila ng mga suspek.


Dagdag pa ng mga otoridad, nagsasagawa sila ng surveillance sa naturang lugar ngunit ng makahalata ang mga suspek sa kanilang operasyon ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga ito.
DZXL558

Facebook Comments