Dating Abra Vice Gov. Rolando Somera, patay sa pananambang sa Marikina

291

Marikina City, Philippines – Patay ang isang dating Vice Governor mula sa probinsiya ng Abra nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Munding Ave ng Barangay San Roque, Marikina City.
Kinilala ng mga otoridad ang dating Vice Governor na si Rolando Somera, 62-anyos na residente ng Cainta, Rizal.
Sa imbestigasyon papauwi na ang biktima kasabay ang isa pa nitong kasama galing sa sabungan, pasado ala-una ng madaling araw nang bigla silang nilapitan ng isang lalaki na nakatakip ang mukha at pinagbabaril ang mga ito.
Batay sa kuha ng cctv ng Barangay San Roque, agad na tumakas ang suspek at agad na sumakay sa isang kulay green na sasakyan pagkatapos ng insidente ng pamamaril.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyaring insidente ng pananambang.
DZXL558

Facebook Comments