Mag-ama, sugatan sa nangyaring sunog sa Pasig City

Pasig City – Sugatan ang mag-ama ng masunog ang kanilang bahay sa Pipino Street, Baranagay Manggahan, Pasig City.
Kinilala ang mga biktima na si Rey Balesa na nasugatan sa kaniyang daliri at pisngi habang nalapnos naman ang mukha at braso ng siyam na taong gulang na anak na si Andrei.
Nagsimula ang sunog pasado alas-10:00 kagabi kung saan kwento ng tatay, naglalaro ng cellphone ang pamangkin sa kanilang kwarto nang biglang sumabog ang charger.
Nagkataon naman natutulog ang kaniyang anak at inabot ng apoy ang hinihigaang kama nito.
Inabot lamang ng unang alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado alas-11:00 kagabi kaya’t walang nadamay na katabing bahay nito.

Facebook Comments