Manila, Philippines – Pinadalhan na ng DOJ ng subpoena ang alkalde ng Batuan, Masbate at ang ama nitong Vice Mayor.
Kaugnay ito ng mga nadiskubreng high’powered na mga baril at pampasabog sa kanilang bahay at resort.
Pindadalo ng DOJ ang mag-amang Mayor Charmax Yuson at Vice-mayor Charlie Yuson 3rd sa preliminary investigation ng DOJ .
Ito ay matapos maghain ng reklamong kriminal ang PNP-CIDG Masbate Provincial Field Unit noong February 14 laban sa mag-amang opisyal.
Inatasan ng DOJ ang mag-amang Yuson na magsumite ng kanilang counter-affidavits sa MArch 1 at March 12 para sa mga kasong illegal possession of firearms and ammunition.
Ayon sa DOJ panel, kapag nabigo ang mag-ama na maghain ng kanilang kontra-salaysay, iwi-waive na ang kanilang karapatan na magprisenta ng kanilang depensa.
February 13, 2019 nang salakayin ng mga otoridad ang bahay ni Mayor Yuson at ang Beach resort ng ama nito sa Batuan, Masbate, kung saan narecover ang mga baril at pampasabog.