Mag-amang Garin, pinakakasuhan ng direct assault

Pinasasampahan ng kasong direct assault ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Eduardo Año sina Iloilo First District Cong. Richard Garin at Guimbal Iloilo Mayor Oscar Garin dahil sa pananakit sa isang pulis.

Ito ang iniutos ng Pangulo kasabay ng kaniyang pagbisita sa burol ni Ako Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.

Ayon sa Pangulo, aatasan rin niya si Año na imbestigahan ang nangyari.


Una nang humingi ng tawad si Congressman Garin sa kanilang nagawa at nilinaw na hindi ito paglapastangan sa Philippine National Police (PNP).

Aniya, ikinainis lang nila ang hindi pagsampa ni si PO3 Federico Macaya ng kasong physical injuries sa isa sa dalawang nag-away sa Guimbal Food Court noong December 22.

Facebook Comments