Dahil sa kagustuhang matamasa ang maganda at maayos na buhay sa Estados Unidos, nakalulunos ang sinapit ng isang mag-ama sa Matamoros, Mexico.
Natagpuan wala nang mabuhay sina Óscar Alberto Martínez Ramírez, 26, at anak nitong Valeria, 23-month-old sa bahagi ng Rio Grande. Sa kuhang litrato, makikitang nakadapa ang dalawa at nakaakbay pa rin ang anak hanggang sa huling pagkakaton.
Ikinumpara ng ilang Mexican newspaper ang sinapit ng kaawa-awang mag-ama sa tatlong taong gulang na Syrian boy na nalunod sa Kos, Greece.
Nakita ang kanilang katawan, Lunes ng hapon, oras sa Estados Unidos.
Kuwento ni Julia Le Duc, mamamahayag ng La Jornada, dumating sa Matamoros noong Linggo si Ramirez at nais humiling ng asylum sa mga US authorities kasama ang anak at asawang si Vanessa Ávalos.
Ngunit nung madiskubreng aabutin ng mahigit isang linggo, nagdesisyon si Martinez lumangoy sila upang makatawid papuntang USA.
“He crossed first with the little girl and he left her on the American side. Then he turned back to get his wife, but the girl went into the water after him. When he went to save her, the current took them both,” pahayag ni Le Duc.
Ang nasabing insidente ay ebidensya na tuluyang pagtaas ng migration crisis sa US-Mexico Border.