MAG-AMANG NAKITAAN NG SINTOMAS NG HUMAN ANTHRAX, NEGATIBO SA SAKIT

Cauayan City – Nagnegatibo ang mag-ama mula sa lalawigan ng Cagayan sa sakit na Human Anthrax sa kabila ng pagkakaroon ng ilang sintomas ng nabanggit na sakit.

Ito ay base sa inilabas na ng resulta ng ginawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine sa mag-ama nang sila ay makaranas ng lagnat, panginginig, panghihina ng katawan, at pagkakaroon ng sugat o black lesion matapos kumain ng karne ng namatay na kalabaw na hinihinalang tinamaan ng Anthrax Virus.

Ayon sa Municipal Health Officer ng Sto. Niño, Cagayan na si Dr. Ethel Simeon, mahigpit ngayong ipinagbabawal sa kanilang lugar ang pagpasok at palabas ng karne at buhay na kalabaw, at nakatakda ring magpasa ng ordinansa sa nabanggit na bayan kaugnay sa pagbabawal sa pagkatay sa mga may sakit na kalabaw.


Kasalukuyan rin ang pagsasagawa ng malawakang Anthrax Vaccination ng Provincial Veterinary Office sa mga alagang kalabaw upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments