Drug den sa Taytay Rizal, ni-raid na kapulisan; apat katao, timbog

124

Manila, Philippines – Hindi na nakapalag pa ang apat katao matapos pasukin ang isang bahay na hinihinalang drug den sa barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

 

Aabot sa isangdaang at limampung gramo ng shabu at drug paraphernalia ang nakumpiska sa loob ng bahay ng mag-asawang suspek na si Billy Joe Ria at Joanie.

 

Todo tanggi naman ang dalawa na sila ang nasa likod ng kalakalan ng ilegal na droga sa lugar pero aminado ang mga ito sa nangyayaring transaksyon sa bahay.

 

Kasama din nadakip ang hindi pa nakikilalang parokyano ng mag-asawa kung saan nakakuha din ang pulisya ng isang pekeng baril at isang binaklas na kalibre .45.



Facebook Comments