Mag-aral nang mabuti at magsilbi sa komunidad, panawagan ni PBBM ngayong Araw ng Kabataang Pilipino

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kabataan na mag-aral nang mabuti, magsilbi sa komunidad at tumulong sa mga nangangailangan.

Ang panawagan ay ginawa nang pangulo sa kanyang video message sa harap na rin pagdiriwang ng Araw ng Kabataang Pilipino ngayon.

Naniniwala ang pangulo na ang kabataan ang pag-asa at kinabukasan ng taong bayan.


Magmumula aniya sa mga susunod na henerasyon ang mga susunod na lider kaya dapat na pagigihan ang pag-aaral, pagsisilbi sa komunidad at pagtulong sa mga nangangailangan.

Hinimok rin ng pangulo ang mga kabataan ngayong araw ng mga kabataang Pilipino na pagyamanin ang talino at talento.

Inaasahan din ng pangulo ang pakikiisa ng mga kabataang ito sa hinaharap para makabuo ng isang mas maganda, masagana at mas matatag na Pilipinas.

Siniguro din ng presidente ang suporta ng gobyerno sa pagtataguyod sa mga kabataan.

Facebook Comments