DOTr, dumepensa sa fare adjustment sa LRT

Dumepensa ang Department of Transportation (DOTr) sa ipapatupad nilang dagdag-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2.

Ito ay epektibo sa Agosto 2 ngayong taon.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang pondong makukuha nila mula sa fare hike sa LRT-1 at LRT-2 ay gagamitin sa improvements sa mass transit system.


Kabilang dito ang pagsasaayos ng kanilang amenities, at technical capacities sa LRT-1 at LRT-2.

Facebook Comments