Mag-asawa, Arestado sa Pagbebenta ng Overpriced na Alcohol!

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang mga-asawa dahil sa pagbebenta ng mga ito ng mga alcohol na sobra sa SRP.

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Joven Laddaran, 31 taong gulang, traysikel drayber at Rachel Laddaran, 26 taong gulang, negosyante at mga residente ng Brgy. 2 Enrile, Cagayan.

Isinagawa ang entrapment operation ng mga tauhan ng Enrile Police Station katuwang ang Provincial Monitoring Hoarding Over Pricing Team (PACT) at Provincial Intelligence Unit (CPUI) na nagresulta sa pagkakahuli ng mag-asawa.


Nakumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang 5 piraso ng tig -isang (1) litro ng 70 percent Ethyl alcohol at dalawang (2) piraso ng 100ml na hand sanitizer, pera na P1,850.00 na buybust money, at isang unit ng cellphone.

Nabatid na ibinebenta ng mag-asawa ang kada isang litro ng 70% ethyl alcohol sa presyong Php310.00 habang ang 100ml na hand sanitizer ay sa presyong Php145.00 kada piraso.

Ayon sa mga kawani ng PACT na nagsagawa ng operasyon, lumampas sa itinakdang presyo ang mag-asawa at nilabag ang RA 7581 o Price Act.

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments