Mag-asawa na kabilang sa Threat Group, Natimbog sa Pangasinan

42

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang mag-asawa na miyembro umano ng New People’s Army at kabilang sa Periodic Status Report on Threat Group (PSRTG) para sa 3rd Quarter ng taong 2020.

Ito ay matapos dakpin ng pinagsanib na pwersa ng Intel Operatives ng 1st IPMFC sa pamumuno ni PLTCOL RONNIE G LABBAO, Force Commander, PIU-IPPO CTG Tracker Team, at Benito Soliven MPS sa ginawang koordinasyon sa 95th IB, Philippine Army bandang 9:30 kaninang umaga sa Anda, Pangasinan.


Kinilala ang mag-asawang wanted sa batas na si Pepito Reyes, 49-anyos at Loida Reyes, 41-anyos na kapwa residente ng Sitio Saragoza, Barangay Nacalma, Benito Soliven, Isabela.

Inaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Alfred Alex L Castillo, Judge ng 6th MCTC, Second Judicial Region, Benito Soliven, Isabela para sa kasong Direct Assault na may petsang December 12,2018.

Sa ngayon, ikinostodiya sa pulisya ang mag-asawa para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments