MAG-ASAWA NAMATAY, DALAWANG MENOR DE EDAD NA ANAK SUGATAN SA AKSIDENTE SA PAYAWAN 1, BRGY. LUNA, SURIGAO CITY

MAG-ASAWA NAMATAY, DALAWANG MENOR DE EDAD NA ANAK SUGATAN SA AKSIDENTE SA PAYAWAN 1, BRGY. LUNA, SURIGAO CITY
Dead on the spot ang mag-asawang kinilalang sina Jhuney at Jennifer Labandero, sugatan naman ang dalawang menor de edad na mga anak nang ang sinasakyang tricycle ang bumangga sa wingvan truck na nagpapa-gasolina sa isang gasoline station noong mangyari ang aksidente.
Nakatamo ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa at limang taong gulang na mga bata matapos tumilapon mula sa sinasakyan. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mula sa itaas na bahagi ng Payawan 1, Brgy. Luna ang mag-anak, pababa na ang tricycle nang biglang magwala ang makina at posibleng nawalan ng preno, diretso na bumangga sa truck.
Sa ngayon, inamin ng lola ng mga bata na si Mirasol Padao, nangangailangan sila ng tulong para mapa-CT Scan ang dalawang apo lalo na’t tatlong beses nang nagsusuka ang bata matapos ang aksidente.

Facebook Comments