MAG-ASAWA PATAY SA PAMAMARIL SA CARMEN, COTABATO!

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ng Carmen Municipal Police Station kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pamamaslang sa mag-asawang sina Motin Mamolindas, 31-anyos, isang magsasaka at misis nitong si Fatima, 30-anyos mga residente ng Buliok, Pagalungan, Maguindanao.
Ang bangkay ng mga biktima ay nasumpungan ng isang motorista sa Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato alas-2:00 kahapon ng hapon na agad naman nitong ipinagbigay alam sa barangay officials na sila namang nagsuplong sa pulisya.
Sa insyal na pasisiyasat ng kapulisan, napag-alaman na sakay ang mag-asawa sa isang kulay itim na CT100 Kawasaki na may temporary plate number 1201-305751 galing sa Bayan ng Pagalungan patungo sana ng Carmen.
Pero pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ang mga ito ng di pa nakikilalang mga suspek.
Nagtamo ng tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistola ang mga biktima batay na rin sa mga narekober na empty shells sa crime scene.(with report from:Jessie Ali)

Facebook Comments