MARAMING SUGATAN | 58 sugatan matapos maaksidente ang isang bus sa Tanauan, Batangas

Batangas, Philippines – Sugatan ang Limangput walong pasahero kabilang na ang drayber ng bus na Dela Rosa Liner na byaheng Batangas -Alabang matapos maaksidente sa KM 67 Northbound of Star Tollway, Brgy Bagumbayan, Tanuan City, Batangas.

Sa ulat ni CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar ala-1:15 ng hapon kanina nang mangyari ang aksidente.

Binabagtas ng bus ang Star Tollway nang iwasan ang isang sasakyan dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela.


Dere deretso ang sasakyan hanggang sa tumaob sa gilid ng kalsada.

Walang naitalang nasawi sa aksidente pero patuloy na ginagamot sa 16 na pasaherong sugatan sa aksidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa aksidente.

Facebook Comments