Mag asawa, Pinagbabaril ng Riding-in-Tandem, Isa Patay!

4029

Solana, Cagayan- Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sakay ng kanyang SUV kasama ang kanyang asawa sa Brgy. Maddarulug, Solana, Cagayan bandang 9:40 kaninang umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Arnel Agustin, nasa tamang edad habang nakilala naman ang kanyang asawa na si Salvacion Agustin na kapwa residente ng Sampaguita 1 sa nasabing bayan.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Solana, binabagtas ng mga biktima ang pambansang lansangan patungong Tuguegarao City nang pagbabarilin ito ng riding in tandem ng makailang beses sakay ng kanyang puting SUV.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang asawa ng nasawing biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa nangyaring insidente.

Inaalam pa sa ngayon ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril sa mag- asawa.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang mga otoridad para madakip ang mga suspek sa pamamaril.

Facebook Comments