Naghahanda na? Vico Sotto, ‘nag-inquire’ ng marriage license application process

961
Image via Instagram / Vico Sotto

#Shookt ang fangirls ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa pinakabagong photo nito sa Instagram.

Kita kasi sa photo ang bachelor mayor na nag-pose na may hawak na biodata form, kasama ang ilang employees sa marriage license department ng city hall.


Sa caption ng mayor, sinabi niyang “nag-inquire” lang naman daw siya.

 

View this post on Instagram

 

Nag-inquire lang po

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto) on

Matatandaang sumagot ni Sotto na mas gugustuhin niyang matulog o magpahinga nang tanungin kung in a relationship na ba siya.

Diyos na aniya ang bahala kung kailan darating ang makakasama niya sa buhay at sa ngayon ay focus-focus muna raw sa tungkulin.

Hindi naman nagpaawat ang mga taga-hanga ng millennial mayor na may kanya-kanyang banat para sa kanilang “babe mayor.”

May mga gusto na raw lumipat sa Pasig, at marami namang nagbiro na para sa kanila ang inquiry ng mayor.

Facebook Comments