Manila, Philippines – Kakaibang diet ang ginagawa ng isang mag-asawa sa loob ng mahigit siyam na taon.
Ayon sa mag-asawang sina Akahi Ricardo at Camila Castello, nabubuhay sila nang walang pagkain at tubig, sa pamamagitan lamang ng paghinga sa enerhiyang naibibigay ng kapaligiran o ang tinatawag na “breatharian diet”.
Una munang naging vegetarian ang dalawa bago ang pagiging breatharian noong taong 2008.
Maging sa pagbubuntis ni Camila sa kanilang panganay na anak ay hindi pa rin ito kumain ng normal, bukod sa isang prutas kada tatlong araw pero ipinanganak niya pa rin ito nang malusog.
Sa kabila ng kanilang pamumuhay, hindi naman nila ipipilit sa mga anak ang pagiging breatharian at hahayaan nilang kumain ang mga ito ng ano mang pagkain gustuhin nila.
Mag-asawa sa California, siyam na taon nang hindi kumakain
Facebook Comments