Mag-asawa sa Caloocan, patay matapos barilin sa ulo habang natutulog

Agad na nasawi ang isang mag-asawa mula Caloocan City matapos umanong pagbabarilin habang nasa gitna ng pagtulog.

Kinilala ang mga biktimang sina Alfie Hingabay at Mona Zafe, pawang residente ng Brgy. Bagong Silang sa lugar.

Ayon sa report, kaninang madaling araw ng 12:50 nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng mga biktima.


May nanghimasok daw ng lalaki saka pinagbabaril ang dalawa na agad namang binawian ng buhay.

Kwento ng isang kapitbahay, nakarinig daw siya ng kalampog mula sa bahay ng dalawa na tila tunog daw ng pukpok ng martilyo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring insidente.

Inaalam nila kung ano ang motibo ng krimen.

Facebook Comments